kakatapos lang ng corporate planning namin. ganun pala 'yun. nakaka-drain. nakakapagod.nakakapiga.nakaka-dehydrate...na kahit sandamakmak na tubig na ata ang nilaklak ko, pagkalabas na pagkalabas ko ng executive lounge, pakiramdam ko, piniga ako ng husto hanggang sa walang nang pumatak na ideya, lakas, salita, opinyon at hininga mula sa aking kaibuturan.
bakit nga ba ganun ang pakiramdam, gayong nakaupo naman kami sa isang komportableng silid. may air-conditioner na banayad na pinalalamig ang kalamnan ng bawat katawang nagpipilit na magpaka-seryoso sa katatapos lang na pagpupulong.
bakit nga ba mas nakakapagod ang maupo?
dahil ba sa limitado ang paggalaw sa pagsusulat, pakikinig, pagtingin sa powerpoint presentation, panaka-nakang pagsagot at pagtango at pag-iling ng mga ulo?
dahil ba sa bigat ng mga nakaambang mga gawain na isa-isang binabalangkas at unti-unting binibigyang diin?
dahil ba sa kaalamang pagkatapos ng pagpupulong, mas matinding trabaho ang nakaabang?
pwede.
lahat ng nabanggit, mangyayari. pipiliting mangyari. at marami pang iba.
About Me
- barbs
- i am: a poem. a song. a sonnet.student of life.dangerously charming.reluctant hearthrob.wicked softie. poet in recluse,writer at heart.sportswriter in perpetuity.grounded romantic.reformed caffeine addict.photojournalist wannabe.closet diva.digs poetry readings.coffee talks.museum talks.nights on Bora beach.Neruda disciple.Coelho fan.frustrated rockstar.miffed painter.teacher.mentor.coach.counselor.sister.friend.
Wednesday, October 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment