About Me

My photo
i am: a poem. a song. a sonnet.student of life.dangerously charming.reluctant hearthrob.wicked softie. poet in recluse,writer at heart.sportswriter in perpetuity.grounded romantic.reformed caffeine addict.photojournalist wannabe.closet diva.digs poetry readings.coffee talks.museum talks.nights on Bora beach.Neruda disciple.Coelho fan.frustrated rockstar.miffed painter.teacher.mentor.coach.counselor.sister.friend.

Wednesday, October 25, 2006

"Tarantado"

'steeg 'tong salitang 'to.
kagabi, pagkatapos naming mag-usap ng friend kong si "T", shempre, magka-text pa rin kami. parang SOP na 'ata 'yun sa mga babae..na kakatapos lang mag-tsikahan ng kung ilang oras, 'di pa rin makuntento at ilalabas at ilalabas ang mobile phone para kutkutin at pumindot ng ilang pahabol pang mensahe.

Tarantado.
iba ang dating ng katagang ito.
malakas. may kakaibang gaspang na akmang-akma sa dapat patungkulan.
nagbatuhan muna kami ng ilan pang text message ni "T".

nagkatawanan.
ramdam ang masidhing pagkakasundo sa paggamit ng naturang kataga.
nakakatuwa. nakakatawa.
matagal ko na ring 'di nagagamit ang katagang 'to ah.
sa katagalan, nanumbalik ang orihinal na kahulugan.

Tarantado.
magaspang ang ugali. may bahid ng kabalahuraan.
bara-bara. bastos. walang pasubali sa matagal nang nakagawian. barubal.
wala akong pakialam kung hindi man ito ang pormal na kahulugan ng salitang 'tarantado'. dahil kahit saan mo man sukatin, ang salitang tinuringan ay kasing-kahulugan din ng "kagaspangan" ng pag-uugali 'di ba?

may mga tao na ganito.
sa katotohanan, marami. 'di lang sandakot.
sandamakmak.
'sang batalyon.

No comments: